TV host Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig City

TV host Vhong Navarro sinampahan ng kasong rape sa Taguig City

SINAMPAHAN ng kaso ng Taguig City Persecutor’s Office ang TV host na si Ferdinand ”Vhong” Navarro sa umano’y panggagahasa kay Deniece Cornejo.

Matatandaan na unang inakusahan ang aktor sa panggagahasa kay Cornejo noong January 17, 2014.

Inutusan ng Court of Appeals ang Taguig City Persecutors Office na maghain ng information laban kay Navarro para sa kasong rape sa ilalim ng Article 266 – A (1) at Acts of Lasciviousness Under Article 336.

Ayon sa Korte Suprema ang Trial Court, ang magdedesisyon kung sino sa pagitan ni Navarro at Cornejo ang nagsasabi ng katotohanan kung saan sinabi ng modelo siya ay ginahasa habang mariin namang itinanggi ni Navarro.

Follow SMNI NEWS in Twitter