Two-ballot laws sa Thailand, pumasok na sa pinal na pagsusuri

PUMASOK na sa pinal na pagsusuri ang two-ballot law na isinusulong ng mga mambabatas sa Thailand.

Inihayag ni Deputy Prime Minister Wissanu Krea-Ngam na ang mga binagong bersyon ng dalawang batas na mahalaga para sa pagpapatupad ng bagong sistema ng halalan ay inaasahang ipapasa sa parliamento sa unang bahagi ng susunod na buwan.

Ang mga batas ay muling isinusulat upang ipakita ang mga pagbabago sa konstitusyon na magpapanumbalik ng two-ballot law sa election.

Ang isang balota ay para sa paghalal ng mga ministro ng parliamento at ang isa ay para sa pagpili ng isang partido.

Ayon kay Wissanu, ang Election Commission (EC) ay nagsusumikap na amyendahan ang dalawang batas.

Aniya, hindi niya masabi kung kailan makukumpleto ang rewritten versions at maihaharap sa gabinete para sa pagsusuri.

Matatandaang matapos ang taong 2011 ay ipinakilala ang single-ballot system kung saan ang mga boto ng mga natalong kandidato sa botohan sa constituency ay pinagsasama-sama at inilalagay sa mga party-list ng kani-kanilang partido.

SMNI NEWS