UAE, natanggap na ang unang batch ng armed drones mula Turkey

UAE, natanggap na ang unang batch ng armed drones mula Turkey

NAKATANGGAP ang United Arab Emirates (UAE) ng unang batch ng armed drones na mula pa sa Turkey na parte naman ng pagpapalakas ng ugnayan ng dalawang bansa.

Nag-deliver ang Turkey ng 20 armed drones sa emirates ngayong buwan.

Ito ang unang shipment ng 120 Bayraktar TB2 drones na binili ng UAE mula sa Turkey.

Samantala, nais din ng Saudi Arabia na makabili ng ganitong uri ng drone.

Ngayong buwan ng Setyembre, kinumpirma na ni Haluk Bayraktar, CEO ng Baykar ang manufacturer ng TB2 na umabot na sa 24 na bansa ang humihiling na makabili ng drones nila.

Matatandaan na sumikat ang Bayraktar drones kasunod ng Russia-Ukraine conflict.

Follow SMNI NEWS in Twitter