UAE nationals, pwede nang bumisita sa Japan na hindi nangangailangan ng Visa mula Nobyembre 1

UAE nationals, pwede nang bumisita sa Japan na hindi nangangailangan ng Visa mula Nobyembre 1

HINDI na nangangailangan ng agarang Visa ang UAE nationals na nais bumisita sa Japan simula Nobyembre 1.

Inanunsyo ng ministry of foreign affairs and international cooperation na ang mga UAE citizen na humahawak ng ordinary passports ay maaaring magbyahe patungong Japan na hindi na nangangailangan ng Visa.

Ang mga passport holder sa UAE ay maaaring manatili sa Japan sa loob ng tatlumpung-araw bawat bisita para sa kadahilanan ng turismo o trabaho nang hindi na nagsusumite ng aplikasyon sa Embahada ng Japan sa Abu Dhabi.

Pero mariing nilinaw ng ministry na ang entry requirements sa Japan ay nananatili kabilang na ang passport validity ng anim na buwan, negatibong COVID-19 PCR test result na dinala pitumput dalawang oras bago ang departure o pagpepresenta ng certificate na ang traveller ay mayroon nang tatlong dose ng mga bakuna na aprubado sa Japan kabilang rito ang Pfizer Biontech, Moderna, Astrazeneca at Sinopharm.

Ayon kay Khalid Abdullah Belhoul, undersecretary ng UAE ministry of foreign affairs and international cooperation ang desisyon na gawing exempted ang UAE nationals sa entry Visa ay sumasalamin sa malalim na kooperasyon sa pagitan ng UAE at Japan kasabay ng pagdiriwang ng diplomatikong ugnayan nito sa loob ng limampung taon.

Ang kasunduan na ito ay sumasabay sa paglulunsad ng comprehensive strategic partnership sa pagitan ng UAE at Japan.

Follow SMNI NEWS in Twitter