Ugnayan ng Japan at Pilipinas, muling pinagtibay nina VP Duterte at Japanese Rep. Koichi Hagiuda

Ugnayan ng Japan at Pilipinas, muling pinagtibay nina VP Duterte at Japanese Rep. Koichi Hagiuda

MULING pinagtibay sa pamamagitan nina Vice President Sara Duterte at Japanese Rep. Koichi Hagiuda ang ugnayan ng Pilipinas at Japan.

Sa naging pagkikita ng dalawa nitong Linggo, April 30, 2023, tinalakay nila ang seguridad at ekonomiya lalung-lalo na ang pagpapaunlad ng imprastraktura.

Kasama rin sa pinag-usapan ang peace and development sa Pilipinas.

Pinasalamatan din ni VP Sara ang Japanese government sa naging tulong nito sa Davao City noong nagsisilbi pa itong mayor nila.

Follow SMNI NEWS in Twitter