TINANGGAP ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang isang tawag mula kay Australian Prime Minister Anthony Albanese nitong Lunes, Nobyembre 7.
Sa phone conversation ng dalawang lider, ipinarating ni Pangulong Marcos ang pagnanais nito na lalong paigtingin ang ugnayan ng Pilipinas at Australia.
Partikular ito sa usapin ng kalakalan at pambansang seguridad.
Samantala, inaasahan naman ang pulong ng dalawang pinuno sa ASEAN Summit na gaganapin sa Nobyembre 16-19.