Umano’y mass resignation sa DND, tsismis lang –Ping Lacson

Umano’y mass resignation sa DND, tsismis lang –Ping Lacson

SINABI ni dating Senator Panfilo M. Lacson na ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ay karaniwang binubuo ng mga propesyonal na opisyal na ang katapatan sa watawat at Konstitusyon ay higit pa sa kanilang mga indibidwal na kagustuhan.

Si Lacson, dating chairman ng Senate National Defense Committee, ay naglabas ng pahayag matapos ang napaulat na ‘destabilisasyon’ at ang napapabalitang ‘mass resignation’ ng mga opisyal ng Department of National Defense (DND).

Sinabi ni Lacson na nilinaw na ng Philippine National Police (PNP) sa nakaraang linggo ang dahilan ng pagpapatupad ng heightened alert status–na ito ay para sa ibang layunin, na wala namang kaugnayan sa anumang destabilisasyon at ang napapabalitang “mass resignation” ng mga opisyal ng DND.

 “Even among PMA batch mates, sometimes there are dynamics due to personal associations and loyalties that cannot be avoided,’’ pahayag ni Ping Lacson, former PNP chief.

Sinabi niya na sina DND Officer-In-Charge (OIC) Jose Faustino Jr., Centino at bagong retiradong Lt. Gen. Bartolome Bacarro, kasama ang dalawa o tatlong DND undersecretaries, ay parehong kabilang sa PMA Class 1988.

Si Lacson, na dating PNP chief, ay nagtapos mismo sa PMA.

 “There is information though that OIC and Senior DND Undersecretary Faustino mentioned to some close associates as early as last month that he will resign if Lt. General Bacarro will be replaced. That could have probably triggered the rumored ‘mass resignation’ in the DND,” ani pa Lacson.

Sinabi niya na hindi na isang “sorpresa” ang pangyayari tulad ng naisip ng karamihan, kabilang ang maraming miyembro ng AFP.

Ibinunyag ni Lacson na dapat ay naisakatuparan na ito noong Nobyembre ng nakaraang taon at ang bagong retiradong AFP chief of staff na si Lt. General Bacarro ay nabatid na sa napipintong (muling) pagtatalaga kay Gen. Centino.

Umano’y mass resignation sa DND, ikinababahala pa rin ng ilang senador

Sa kabila ng pahayag ng dating mambabatas at dating PNP chief ay naghayag pa rin ng pagkabahala ang ilang senador.

Kabilang dito si Senate Minority Floor Leader Aquilino Koko Pimentel III.

“I have no idea why these developments are happening. I hope there are no serious reasons behind all of these developments,” saad ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, Senate Minority Floor Leader.

Umaasa si Koko na walang malaking problema sa likod ng mga pangyayari.

Para naman sa kapatid ng Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si Senadora Imee, ay dapat aniya napag-usapan ito ng mga kinauukulan.

“Ang totoo, when there is smoke there is fire. Dapat mag usap-usap ang lahat. Consult the stakeholders, maraming pagbabago na sinimulan si dating Pangulong Duterte na kailangang suriin nang maigi at konsultahin ang lahat ng tatamaan,” ayon kay Sen. Imee Marcos.

Pagkakatalaga ni Sec. Galvez sa DND, pinuri

Samantala, pinuri naman ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagkakatalaga ni Secretary Carlito Galvez sa DND.

My congratulations to Gen. Galvez. Given his vast experience as a seasoned soldier & Presidential Adviser on Peace & Reconciliation, he will surely make significant contributions to the success of the Marcos admin,” ayon naman kay Sen. Bong Go.

Naniniwala si Go na malaki ang maitutulong ni Galvez sa kasalukuyang administrasyon lalo na’t malawak ang karanasan nito bilang isang sundalo at pagiging Presidential Adviser on Peace & Reconciliation.

Matatandaan na si Galvez ay dati ring Cabinet secretary ng Duterte administration.

 

Follow SMNI News on Twitter