UN envoy, idineklarang “persona non grata” ng Sudan

UN envoy, idineklarang “persona non grata” ng Sudan

IDINEKLARANG “persona non grata” ng Sudan si UN Envoy Volker Perthes.

Dalawang linggo ito matapos inakusahan ni Sudan De Facto Leader General Abdel Fattah Al-Burhan ang UN envoy na dahilan sa paglala ng nangyayaring labanan sa pagitan ng mga sundalo ng bansa at Paramilitary Rapid Support Forces na pinangungunahan ni Commander Mohamed Hamdan Daglo.

Matatandaang noong Abril ay nagsimula ang labanan na siyang dahilan para magkagulo sa Khartoum, Sudan.

Aabot sa 1,800 ang naitalang nasawi at aabot sa 1.2-M ang nagsilikas.

Itinuturong dahilan naman ng labanan sa pagitan ng mga sundalo ng Sudan at Paramilitary Rapid Support Forces ay ang agawan ng military leadership ng dalawa nitong matataas na opisyal.

Follow SMNI NEWS in Twitter