Unang 3 araw ng Simbang Gabi, naging mapayapa—PNP

Unang 3 araw ng Simbang Gabi, naging mapayapa—PNP

NAGING mapayapa ang unang tatlong araw ng tradisyunal na Simbang Gabi sa bansa.

Sinabi ni PNP Public Information Office chief Police Colonel Jean Fajardo na wala silang naitalang major significant incident at wala ring natatanggap na anumang banta sa seguridad.

Ayon kay Fajardo, pinananatili ng pulisya ang kanilang pro-active stance at enhanced managing police operations.

Kabilang dito ang seguridad sa mga palengke, mall, terminal, pantalan, paliparan at iba pang pampublikong lugar.

Nauna nang ipinag-utos ni PNP chief Police General Benjamin, Acorda Jr. ang maximum deployment ng mga tauhan hanggang matapos ang Kapaskuhan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter