Unang apat na official entries para sa 49th MMFF, inanunsiyo na

Unang apat na official entries para sa 49th MMFF, inanunsiyo na

INANUNSIYO na ng Metro Manila Film Festival (MMFF) ang unang apat na official entries para sa 49th edition nila ngayong Disyembre.

Sa ini-release, pasok ang “A Mother and Son’s Story” kung saan tampok si Sharon Cuneta at Alden Richards.

Pasok din ang “(K)ampon” na pinagbidahan nina Beauty Gonzales at Derek Ramsay maging ang “Penduko” na binagbidahan naman ni Cristine Reyes at Matteo Guidicelli.

Ang pang-apat ay ang “Rewind” kung saan tampok sina Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ang apat na iba pa ay manggagaling sa finished film submissions kung saan Setyembre 29 ang deadline nito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter