ISINAGAWA na ang unang araw ng ballot feeding sa Philippine Consulate General sa Los Angeles na tinatayang isa sa pinakamalaking populasyon ng mga botanteng Pilipino sa Amerika.
Labintatlong minuto bago mag-alas dies ng umaga sa California, opisyal na sinimulan ng Philippine Consulate General Office, Los Angeles (PCGLA) ang pagproseso ng unang balota sa vote-counting machine.
‘’The staff and officers of the Consulate joined force to facilitate and accommodate questions from poll watchers and media partners about processes that involves the selection of highest positions in the country this year,’’ ayon kay Ambrosio Brian Enciso III, Ph Consulate Los Angeles.
Ang mga kawani at opisyal ng Konsulado ay buong-sipag na isinagawa ang ballot feeding, kasabay ang pagtugon sa mga tanong mula sa mga poll watchers at media partners tungkol sa mga proseso ng pagbibilang ng mga boto sa halalan ng pinakamataas na mga posisyon sa Pilipinas ngayong taon.
Isa rin sa mga tungkulin ng mga poll watchers ang obserbahan ang mga pangyayari sa polling room.
‘’2 machines are dedicated to the LA Consulate Office, which the Consul says COMELEC set a ratio of 20,000 voters per 1 machine – good enough to process votes of 34,917 registered voters in the Los Angeles Consulate Office,’’ saad ni Chona Galvez / Poll watcher.
May 2 voting machines na nakalaan sa Konsulado doon. Ang ratio ng bawat isang machine ay 20,000 voters, na sapat umano iproseso ang 34,917 na rehistradong botante ng Philippine Consulate sa Los Angeles.
Kabilang sa saklaw ng PCGLA ay ang Southern California, Southern Nevada at ang estado ng Arizona.
Ang ballot feeding ay naka-iskedyul tuwing Lunes at Huwebes at inaasahan nilang mas maraming balota ang darating pa sa mga susunod na araw.
Ayon naman kay Consul General Edgar Badajos, walang dapat ikabahala sa mail-only ballot voting dito sa Estados Unidos.
‘’As we trusted the dependability of the US Postal System that if you send mail by the US Postal Office you can be certain that the document will with you. Unlike in other countries that where there postal system is not so dependable,’’ paliwanag ni Consul General Edgar Badajos.
Mayroon din siyang mensahe para sa mga taong nagdududa sa sistema ng pagboto doon sa Amerika, partikular sa mga manggagawa ng mga Konsulado at Embahada sa labas ng Pilipinas.
Tiniyak din ng Konsulado, na patuloy nitong sinusunod at pinapatupad ang mga safety health protocols para sa kapakanan ng mga kababayan natin at ng publiko.
Ipinaalala din ng Konsulado ang mga botante na kung plano nilang ipadala ang kanilang mga mail-in ballots sa pamamagitan ng USPS, ipadala ito ng isang linggo bago ang Mayo 9 upang masiguro na makaabot ito sa cut off time ng pagbibilang.