Unang kaso ng H5N9 naitala sa Camarines Sur

Unang kaso ng H5N9 naitala sa Camarines Sur

KINUMPIRMA ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang kauna-unahang kaso sa bansa ng High Pathogenicity Avian Influenza (HPAI) Type E Subtype H5N9 sa Camaligan, Camarines Sur.

Iniulat ng BAI–Animal Disease Diagnostic and Reference Laboratory (BAI-ADDRL) na nagpositibo sa nasabing sakit ang mga duck sample na kanilang nakolekta sa isinagawang routine surveillance ng DA Regional Field Office V (DA-RFO V) sa pagtatapos ng Abril.

Kasunod nito, ipatutupad ng BAI at mga LGU ang disease control operations kabilang ang surveillance sa loob ng isang kilometro at seven-kilometer zones sa pamamagitan ng paglilinis at disimpeksyon sa mga apektadong lugar upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.

Bagamat nakakahawa at nakamamatay sa mga ibon ang nasabing virus, hindi naman ito nakahahawa sa tao.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble