MAYROONG 40 natukoy na close contacts ang unang kaso ng Omicron subvariant BA.2.12 sa Pilipinas.
Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, 9 ang close contacts ng kaso sa Quezon City, 5 sa Benguet at 30 naman habang nakasakay ito sa commercial flights patungong Maynila.
Ani Vergeire, karamihan sa mga close contacts ng pasyente ay fully-vaccinated at ilan sa mga ito ay nagnegatibo sa COVID-19.
Sa ngayon aniya ay mahigpit na minomonitor ang mga ito at walang sinuman sa kanila ang nakararanas ng sintomas.
Kahapon nang inanunsyo ng DOH na ang unang kaso ng BA.2.12 Omicron subvariant sa bansa ay isang 52 anyos na babaeng finnish na dumating mula Finland noong April 2.
Una nang sinabi ng DOH na nagtungo ang babae sa isang unibersidad sa Quezon City at Baguio upang magsagawa ng seminars.