Underground cabling sa Binondo at Quiapo, isusulong

Underground cabling sa Binondo at Quiapo, isusulong

ISINUSULONG ngayon ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang pagsasagawa ng underground cabling sa mga bahagi ng Binondo at Quiapo.

Ito’y matapos magsibagsakan nitong Huwebes ng hapon ang pitong poste ng kuryente sa may Binondo na ikinasugat ng tatlong katao.

Saad ni Chua na siyang nakasasakop sa nabanggit na parte ng Maynila na nagpatulong siya sa mga kakilalang engineer at economist para pag-aralan ito.

Punto ng mambabatas, mainam na nasa ilalim ng lupa at hindi nakasabit sa mga poste ang anumang kawad, mapa-kuryente man to sa cable at internet.

“[I] will also ask engineers and economists to study the feasibility of laying the utility cables underground in some parts of Binondo and Quiapo instead of keeping them hanging on posts,” ani Chua.

Nauna nang isinulong ng kongresista ang House Bill 3750 na layong gawing heritage zone ang Quiapo at Binondo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter