KINUMPIRMA ng Department of Labor and Employment (DOLE) na sinimulan nang talakayin ng mga Senior labor officials mula sa 10 ASEAN member-states ang updates sa iba’t ibang Regional Labor and Employment Programs.
Ito’y matapos na pormal nang sinimulan ang pagpupulong ng mga naturang opisyal sa 27th ASEAN Labor Ministers’ Meeting na ginanap sa Manila kung saan ang Pilipinas ang Host.
Malugod na tinanggap ni DOLE Undersecretary Benedicto Ernesto R. Bitonio, Jr. ang mga delegado ng 18th Senior Labor Officials’ Meeting (SLOM), habang ang Pilipinas ang naging chairman ng pulong mula sa Indonesia.
Pisikal na nagpupulong ang mga senior labor officials matapos ang 2 taon na virtual meetings dahil sa COVID-19 pandemic.