Upgrading ng reservation at passenger-processing systems ng AirAsia isasagawa simula bukas

Upgrading ng reservation at passenger-processing systems ng AirAsia isasagawa simula bukas

INANUNSYO ng AirAsia Philippines na simula bukas o Nobyembre 23, 9 pm hanggang Nobyembre 24 ng 3 am ay sisimulan na ang upgrading ng reservation at passenger-processing systems ng naturang airline.

Ayon sa AirAsia, ang pag-upgrade ay bahagi ng patuloy na pagsusumikap nito na magbigay sa kanilang mga bisita ng pinahusay na karanasan sa online.

Pinapayuhan ang mga bisita ng AirAsia na maaari silang makararanas ng mga pagkaabala sa serbisyo sa panahon ng pag-upgrade ng system.

Kabilang na rito ang self check-in online sa pamamagitan ng AirAsia Super App at website, mga flight booking sa AirAsia Super App at website, pati na rin ang AirAsia rewards redemption.

Makakaapekto rin ito sa ground operations, gaya ng check-in at baggage drop services sa lahat ng paliparan na inooperate ng AirAsia.

Follow SMNI News on Twitter