Uratex Dream, nanalo ng 3rd place sa isang Singapore Tournament

Uratex Dream, nanalo ng 3rd place sa isang Singapore Tournament

NAKUHA ng Pinay basketball team na Uratex Dream ang ikatlong puwesto sa naganap na Jumpshot 3×3 International Tournament sa Singapore nitong Enero 6-7, 2024.

Binuo ang koponan nina Kaye Pingol, Sam Harada, Mikka Cacho, at Eunique Chan.

Isang magandang panimula naman ito ng nabanggit na Women’s Basketball Team para sa taong 2024 dahil mula sa 10 koponan na naglalaban-laban sa tournament noong nakaraang linggo ay nakuha pa nilang manalo ng third place.

Ang Singapore Tournament ay paghahanda na rin ng koponan para sa Manila Hustle 3×3 Season 2 ngayong Pebrero 3-4, 2024 sa SM Mall of Asia Music Hall.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter