MAGKAKAROON ng koordinasyon ang United States, Japan at South Korea kung magsasagawa ng ikapitong nuclear test ang North Korea.
Ito ang inihayag ni White House National Security Adviser Jake Sullivan nang magbyahe si Pres. Joe Biden sa G20 Summit sa Indonesia.
Ayon pa kay Sullivan, ang nuclear test ng Pyongyang ay isang malaking paglabag sa resolusyon ng United National Security Council.
Samantala, sa kabila ng misssile tests ngayong taon, mayroon ding mga lumabas na ulat na pinapalawak ng North Korea ang munitions facilities nito.
Ang hakbang na ito ay posibleng magdulot ng malawakang produksyon ng bagong develop na mga armas ayon sa mga eksperto.
Matatandaan na inihayag ng North Korea na ang missile tests nito ay babala sa serye ng military exercises sa pagitan ng Estados Unidos at South Korea.