Top business leaders sa South Korea, posibleng makipagkita sa Crown Prince ng Saudi Arabia

Top business leaders sa South Korea, posibleng makipagkita sa Crown Prince ng Saudi Arabia

POSIBLENG makipagkita sa top business leaders sa South Korea ang Saudi Crown Prince at Prime Minister na si Mohammed Bin Salman.

Nakatakdang dumating ngayong Huwebes ang Crown Prince para sa kanyang dalawang araw na pagdalo sa G20 Heads of State and Government Summit sa Bali, Indonesia.

Ang Crown Prince rin ang nangunguna sa NEOM project sa South Korea na nagkakahalaga ng 500 bilyong dolyar kung saan isang eco friendly at Smart City ang itatayo sa Northwestern Tabuk Province.

Inaasahan na hahanap ng mga kasosyo sa negosyo sa bansa ang Crown Prince.

Dati nang nakipagkita ang Samsung Electronics Chairman na si Lee Jae Yong sa Crown Prince sa kanyang state visit sa Korea noong Hunyo 2019.

Follow SMNI NEWS in Twitter