US, mag-dodonate ng karagdagang $5-M na tulong sa Pilipinas

US, mag-dodonate ng karagdagang $5-M na tulong sa Pilipinas

MAG-dodonate ang Estados Unidos ng karagdagang $5 milyon na financial assistance sa Pilipinas para sa COVID-19 vaccination at iba pang programa ng bansa.

Ito ang inanunsyo ni US Second Gentleman Douglas Emhoff, asawa ni US Vice President Kamala Harris.

Sinabi ni Emhoff na ang pondo ay sa pamamagitan ng United States Agency for International Development (USAID).

Umaga ng Lunes nang nagtungo si Emhoff at Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire sa Gregoria de Jesus Elementary School sa Caloocan City para isulong ang ligtas na pagbabalik ng face-to-face classes sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa kanyang pagbisita sa paaralan, itinurn-over nito kay Caloocan City Mayor Dale Gonzalo Malapitan ang mga donasyon na hygiene kits at COVID-19 supplies kabilang dito ang N95 face masks, finger oximeter, forehead thermometer, at isang tablet at iba pa.

 

Follow SMNI News on Twitter