US, pinasara ang nasa 55 websites dahil sa iligal na pag live-stream ng World Cup

US, pinasara ang nasa 55 websites dahil sa iligal na pag live-stream ng World Cup

PINASARA na ng United States ang nasa 55 na websites dahil sa iligal na pag-live stream nito ng mga laban mula sa World Cup sa Qatar ayon sa US Justice Department.

Ayon sa Justice Department, isinara ang mga websites matapos na matukoy ng representative ng FIFA ang mga websites na ginagamit upang ipamahagi ang copyright-infringing content nang walang authorization ng Soccer World Governing Body.

Ani Special Agent James Harris ng Homeland Security Department, bagaman marami ang naniniwala na hindi naman seryoso ang bantang dulot ng iligal na pag-stream ng mga content, taliwas ito dahil sa nakaka-apekto ito sa ekonomiya.

Dagdag ni Harris, maaaring maramdaman ang dulot nito sa iba’t ibang industriya at pwede rin itong pagmulan ng iba pang criminal activity.

Follow SMNI NEWS in Twitter