Usec. Roy Cervantes, walang karapatang patahimikin ang SMNI–Badoy

Usec. Roy Cervantes, walang karapatang patahimikin ang SMNI–Badoy

PINATUTSADAHAN ni former Usec. NTF-ELCAC spokesperson Dr. Lorraine Badoy si Undersecretary Roy Cervantes matapos nitong pagsalitaan si Badoy na kinakailangan umanong dumaan sa kamay ni Cervantes ang mga sensitibong impormasyon sa aniya’y panunulsol ng mga notoryus na operatiba ng CPP-NPA-NDF sa tanggapan ng Pangulo.

Ano ba ang nagpabagsak sa CPP-NPA NDF, karapatang may gawin yun” pahayag ni Dr. Lorraine Marie Badoy.

Ito ang naging pahayag ni Badoy sa programang ‘Laban Kasama ang Bayan’ ng SMNI matapos makatanggap ng tawag mula kay Cervantes ng Office of the Executive Secretary, kaugnay sa pagsiwalat ng mga program host sa mga sensitibong larawan ni Eric Garafil, asawa ni Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cheloy Garafil na nakikipag-inuman umano sa mga notorious na operatiba ng CPP-NPA-NDF.

Kung matatandaan, nagkaroon ng pag-uusap ang mga kilalang urban operative ng CPP-NPA-NDF na  sina PISTON President Mody Floranda at Manibela Transport Group chairman Mar Valbuena kay Secretary Garafil at Usec. Cervantes patungkol sa isinagawang kilos-protesta ng mga operator ng pampublikong sasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Instagram