Utang na loob ng mga Marcos sa mga Duterte idinetalye ng kapatid ni FPRRD

Utang na loob ng mga Marcos sa mga Duterte idinetalye ng kapatid ni FPRRD

PARA sa maraming kabataang Pilipino ngayon, si Vice President Sara Duterte ang itinuturong dahilan kung bakit naging posible ang tagumpay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong 2022.

Ayon sa Pulse Asia at SWS surveys mula 2021, si VP Sara ang consistent na nangunguna sa presidential race—bago pa man siya umatras para bigyang-daan ang tambalang UniTeam.

Ang “Duterte factor” ang nagsilbing pampabigat sa timbangan—lalo na sa Mindanao at sa masa—class D at E voters, na matibay na base ng kanilang pangalan.

Pero sa bagong pagsisiwalat ni Eleanor Duterte, lumalabas na hindi lang ito simpleng political strategy noong eleksiyon. Ayon sa kaniya, may malalim na “political alliance” na ang pamilya Marcos at Duterte—isang alyansang nagsimula pa sa panahon ni Ferdinand Marcos Sr.—at ngayon ay tila may pilit nang sinisingil na utang na loob.

“Election pa lang, alam na ni Marcos Sr. na hindi siya mananalo. I don’t know if it was Macapagal or whoever was ‘yung kalaban niya. Alam niya kasi malakas ‘yung tao man kasi sa Luzon, halo-halo: Ilocano, Pampangueño, Bicolano, Caviteño. Parang nag-survey-survey siya. Hindi man ako manalo, pumunta siya dito. Puntahan ko. May taong respetado diyan sa Mindanao. May nag-advise siguro sa kaniya na si Duterte. Si Governor Duterte—malinis na tao ’yan,” ayon kay Eleanor Duterte, panganay na kapatid ni FPRRD.

Presko pa sa alaala ng 83-anyos na si Ms. Duterte ang mga tagpo nang personal na magpunta sa bahay nila noon dito sa Davao City si Marcos Sr. para hingin ang suporta ng kaniyang ama para sa 1965 presidential elections. Panahon ito ng matinding banggaan sa politika—isang no-holds-barred na labanan sa pagitan ni Marcos Sr. at ng noo’y nakaupong Pangulo ng bansa, Diosdado Macapagal.

“Pumunta siya dito—kinausap niya ang tatay ko na tulungan siya to win enough votes in Mindanao to offset doon sa kalaban niya. First term, he won. Sabi ng father ko, tulungan kita. But in Mindanao at that time, mga leaders dito na may pangalan, even in the region of Sulu, Jolo ganiyan—kaibigan ng tatay ko ’yan eh. Kaya for him to campaign as a… botohan lang natin si Marcos dahil hindi ito mananalo dahil ang kaniyang kalaban malakas sa Luzon. ‘Di kampanya na sila… kampanya na ganon. To make the long story short, he became President of the Republic of the Philippines,” dagdag ni Ms. Eleanor.

At ngayong nabuwag na ang UniTeam o ang tambalang Marcos Jr.–Sara Duterte, nakikita ng ate ni Tatay Digong na naulit muli ang kasaysayan—kasaysayan ng isang pamilya na gustong manatili habambuhay sa kapangyarihan.

“Ginagaya ’yan ngayon ng anak niya. They want to perpetuate. The real reason really na inaatake niya ang mga Duterte is because—tama ‘yung sinabi ni Digong, he is right. They want to perpetuate the dynasty of the family. So, they will spend money, they will steal money, they bribe people just so their family will benefit. Political move ’yan eh, alam ko ’yan—matagal ko nang alam ’yan,” aniya.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble