Utang ng Pilipinas, bahagyang tumaas sa P13.64-T hanggang nitong Nobyembre

Utang ng Pilipinas, bahagyang tumaas sa P13.64-T hanggang nitong Nobyembre

BAHAGYANG tumaas sa P13.64 trilyon ang “outstanding debt” ng gobyerno ng Pilipinas hanggang sa pagtatapos ng Nobyembre 2022.

Ito ang ibinalita ng Bureau of Treasury ngayong araw matapos madagdagan ng P3.15 bilyon ang halagang hiniram ng gobyerno.

Nasa 0.02% ang pag-akyat nito kumpara sa utang noong katapusan ng Oktubre.

Sinabi ng Bureau of Treasury na dulot ito ng local currency appreciation kontra sa dolyar.

Samantala, ang utang ng national government ay tumaas ng P1.92 trillion o 16.33% mula noong katapusan ng Disyembre 2021.

Follow SMNI NEWS in Twitter