Utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2022, naitala sa P13.42-T

Utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng 2022, naitala sa P13.42-T

NAITALA sa P13.42 trillion ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2022.

Ito ay bahagyang mababa ng P225.31 bilyon o 1.7% mula sa 13.64 trillion na naitala noong katapusan ng Nobyembre 2022.

Ayon sa Bureau of the Treasury, bunsod ito ng epekto ng local currency appreciation at net redemption ng Domestic Government Securities.

Samantala, tumaas naman ng 1.69 trillion o 14.4% ang full-year debt ng national government.

Follow SMNI NEWS in Twitter