Vape shop sa lungsod ng Marikina, sapul sa ginawang suprise inspection ng DTI

Vape shop sa lungsod ng Marikina, sapul sa ginawang suprise inspection ng DTI

SAPUL sa ginawang suprise inspection ng Department of Trade and Industry (DTI) ang isang vape shop sa kahabaan ng J.P Rizal St., Brgy. Concepcion Uno sa lungsod ng Marikina.

Ito ay matapos makitaan ng iba’t ibang paglabag sa Republic Act number 11900 o “Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Regulation Act.”

Nakasaad sa naturang batas na ipinagbabawal ang pagbebenta ng mga vape products lalo kung ang mga ito ay may flavor descriptor.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter