Venezuelan Pres. Nicolas Maduro, tumungo sa Beijing para makipagpulong kay Pres. Xi Jinping

Venezuelan Pres. Nicolas Maduro, tumungo sa Beijing para makipagpulong kay Pres. Xi Jinping

DUMATING na sa Beijing si Venezuelan President Nicolas Maduro para sa pakikipagpulong kay Chinese President Xi Jinping.

Kasama ni Maduro ang kaniyang asawa nang dumating sa Beijing sakay ng high-speed train at sinalubong ng mga batang may dala-dalang bulaklak.

Ayon kay Maduro, inaasahan nitong magkaroon ng maraming kasunduan sa pagitan ng Chinese President at mas lalo pang titibay ang historical relationship sa pagitan ng Venezuela at China.

Dumating si Maduro sa Shenzhen noong Biyernes at inaasahang magtatagal ito sa China hanggang Huwebes.

Pangunahing layunin ng state visit ni Maduro sa China na makakuha ng membership ang Venezuela sa BRICS.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter