APRUBADO na ng Federation International Basketball Association (FIBA) ang pagpapalit ng venue para sa nalalapit na 2023 FIBA World Cup.
Sa anunsiyo, ang dalawang opening round games ay gagawin sa Philippine Arena, Bulacan.
Habang ang final phase ng World Cup ay gaganapin na sa Mall of Asia Arena.
Tinutukoy na dahilan sa pagpapalit ng venues ay ang traffic at iba pang transportation concerns.
Isasagawa ang FIBA World Cup 2023 sa Agosto 25 hanggang September 10, 2023.