NAKAKUHA pa rin ng “very good” net satisfaction rating si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang huling dalawang buwan sa pwesto.
Ito ay base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS) na ginawa noong Abril 19-29, ngayong taon.
Base sa survey, nasa +65 ang nakuha na net satisfaction rating ni Pangulong Duterte na masasabing ‘very goood’.
Aabot sa 78 percent ang nagsabi na satisfied sila sa naging performance ni Pangulong Duterte habang 13 percent ang hindi satisfied at nasa 9 ang undecided.
Ginawa ng SWS ang face-to-face interviews sa 1,440 na adults na may edad 18 pataas.