NAKAPAGSUMITE ng kontra salaysay sina Vice Ganda at Ion Perez sa reklamong cyber crime nang Kapisanan nang Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) sa QC Prosecutor’s office.
Ngayong araw ang unang hearing para sa reklamong cyber crime na isinampa nang Kapisanan nang Social Media Broadcasters ng Pilipinas (KSMBPI) laban sa dalawa.
Ayon sa abogado nang KSMBPI na si Atty. Mark Tolentino, kanilang pag-aaralan ang counter affidavit ng kabilang kampo at saka gagawa ng reply.