Vice Ganda at Ion Perez, sinampahan ng kasong kriminal sa QC Prosecutor’s Office

Vice Ganda at Ion Perez, sinampahan ng kasong kriminal sa QC Prosecutor’s Office

KASONG kriminal ang isinampa ng Kapisanan ng Social Media Broadcasters ng Pilipinas Inc. laban sa TV host commediane na si Vice Ganda at ang partner nitong si Ion Perez.

Ayon sa abogado ng grupo na si Atty. Mark Tolentino, paglabag sa cybercrime law ang isinampa laban sa dalawa.

Tumanggi naman munang magbigay ng karagdagang detalye ang nagreklamong grupo kaugnay sa dahilan ng pagsasampa ng kaso.

Sasagutin umano ang lahat ng tanong sa gaganaping press conference ng grupo sa Miyerkules, Setyembre 13.

Samantala nitong weekend, ay nag-init ang ulo ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile kay Vice Ganda.

Ito’y matapos ang mga eksenang tinawag ni Enrile na ‘salacious’ na kinasangkutan ng kontrobersiyal na TV Host.

“Salacious! Ibig sabihin noon malisyoso!” ayon kay Sec. Juan Ponce Enrile, Chief Presidential Legal Counsel.

Ipinunto ni Enrile ang problema ng mga nalalasing sa kapangyarihan at impluwensiya.

Na nagiging walang pakialam sa mga galaw at pakikitungo nito sa iba.

Tinawag naman ni Enrile na bastos ang komedyante.

Sec. Enrile kay Vice Ganda: Bastos ka!

“Sarili mo na lang ang iniisip mo. Akala mo maganda ‘yung ginagawa mo pero bastos ka! Bastos ka nang tao!”

“Hindi lang walang decency, abusado! Bastos!”

“Magmula pa noong araw, ganiyan na yan,” ayon pa kay Sec. Enrile.

Payo naman ni Enrile sa mga magulang na naiimpluwensiyahan ang kanilang mga anak ni Vice Ganda.

“Lahat ng pamilya na may mga anak na nasasaktan o naiimpluwensiya, they should denounce her,” diin ni Enrile.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble