SINIBAK din sa puwesto ang executive vice president of basketball operations ng New Orleans Pelicans na si David Griffin.
Ito ay matapos ding hindi makapasok ang koponan sa playoffs game.
Inanunsiyo ng team owner na si Gayle Benson ang pagsibak sa naturang opisyal.
Aniya, mahirap para sa kanila ang desisyon ngunit kinakailangan umano ito para maabot ang kanilang inaasam na championship title.
Kinilala naman ng team ang ambag ni David na naging kasama nila sa halos anim na taon.
Follow SMNI News on Rumble