HINDI makakalaro sa simula ng NBA playoffs ngayong Abril 20 si Damian Lillard ng Milwaukee Bucks dahil sa blood clot sa kaniyang kanang binti.
Ayon sa mga doktor na sumusuri sa basketball player, bagamat lumiit na ang blood clot ay hindi pa siya maaaring payagan na makabalik sa full basketball activities.
Noong Marso 18 pa ng temporaryong huminto sa paglaro si Lillard dahil dito.
Samantala, bago ma-injure ay may average si Lillard na 24.9 points at 7.1 assists kada laro.