Vilma Santos, sinagot ang bashers na kumukuwestiyon bakit siya ang “Best Actress” sa 2023 MMFF

Vilma Santos, sinagot ang bashers na kumukuwestiyon bakit siya ang “Best Actress” sa 2023 MMFF

SINAGOT na ni Star for All Season Vilma Santos ang bashers na kumukuwestiyon kung bakit siya ang nakasungkit ng “Best Actress Award” mula sa 2023 Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa kaniyang performance sa pelikulang “When I Met You in Tokyo”.

Partikular na umagaw ng kaniyang pansin ang paratang na may kinalaman siya sa naging desisyon ng mga hurado.

Para sa bashers, mas maganda na ibinigay na lang sana sa mga baguhan ang nabanggit na parangal.

Paglilinaw rito ni Vilma, hindi niya kailanman nakausap ang mga hurado at wala siyang alam na siya ang mapipili.

Sa “Best Actress Award” category ay tinalo ni Vilma ang iba pang batikang aktres gaya nina Sharon Cuneta, Eugene Domingo, Marian Rivera, at iba pa.

Follow SMNI NEWS on Twitter