Viral na motoristang naglabas at nagkasa ng baril sa road rage sa Valenzuela, kinasuhan

Viral na motoristang naglabas at nagkasa ng baril sa road rage sa Valenzuela, kinasuhan

NAHAHARAP sa patong-patong na kaso ang isang lalaki na naglabas at nagkasa ng baril sa nangyaring road rage sa Valenzuela City.

Kasong grave threat at alarm and scandal ang kinakaharap ng driver ng SUV na si Marlon Malabute na sangkot sa road rage noong Agosto 19, 2023 na nangyari sa Brgy. Punturin.

Ito ang inihayag ni Valenzuela City Police Chief Col. Salvador Destura, Jr. sa isinagawang press conference kasama si Mayor Wes Gatchalian at biktimang taxi driver na si Henry Ong, Jr.

Ayon kay Destura, napag-alaman nila na si Malabute ay isang negosyante at natunton ang pagkakakilanlan nito sa pamamagitan ng deed of sale ng minamanehong puting Fortuner.

Matatandaan na naging viral sa social media ang insidente kung saan una nang ni-revoke ng Philippine National Police (PNP) ang license to own and possess firearms ni Malabute pati na rin ang rehistro ng kaniyang baril.

Maging ang Land Transportation Office (LTO) ay naglabas din ng show cause order laban kay Malabute kung saan pinagpapaliwanag ito at pinagsumite ng affidavit upang malaman kung tatanggalan na rin ng lisensiya sa pagmamaneho.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble