Viral video ng pananagasa ng isang Korean national sa Pampanga, iimbestigahan ng LTO

Viral video ng pananagasa ng isang Korean national sa Pampanga, iimbestigahan ng LTO

PINAIIMBESTIGAHAN na ni Land Transportation Office (LTO) Chief Assistant Secretary Atty. Vigor D. Mendoza II ang viral video ng isang Korean national na nanagasa sa Pampanga.

Naganap ang insidente nitong Oktubre 31.

Ayon sa Clark Development Corporation, biglang pinaharurot ng Korean national ang minamanehong sports utility vehicle (SUV) nang mapansin ng mga security guard na siya ay nakahubad.

Una nitong binangga ang isang motorsiklo na minamaneho ng isang security guard na nagtangkang pumigil sa SUV.

Binangga din nito ang gasoline pump nang ma-corner ito na nagresulta ng pagsiklab ng apoy.

Ayon kay Mendoza, hindi katanggap-tanggap ito at dapat lang na maparusahan ang banyaga.

Nasa kustodiya na ngayon ng pulisya ang Koreano at nahaharap sa naaangkop na mga kasong kriminal na kinabibilangan ng attempted homicide.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble