MAY mga bisita nitong nakaraang linggo ang mga taga Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa mga compound nito sa Davao.
Sila ay mga independent content creator sa Facebook at Youtube, o mga vlogger na aktibo sa paksa ng pulitika.
Isa sa kanila ay si Darwin Salceda o mas kilala bilang Boss Dada ng social media.
Sa panayam sa SMNI Nightline News, aminado si Boss Dada na isa siya sa mga bumabanat noon kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Pero nagbago lahat ng kaniyang paningin nang makilala nito ang pagkatao ng butihing Pastor.
Doon raw sila bumilib kung gaano pinahahalagahan ni Pastor Apollo ang lahat ng kasapi ng KOJC.
Na mula sa pag-aaral, bahay, pagkain at security ay libreng ibinibigay.
‘’Teka, parang iba yata ito doon sa pagkakaintindi natin dahil siyempre nga nagbabase lang naman tayo sa opinyon ng nakararami which is hindi mga kasapi nitong simbahan,’’ ayon kay Political Vlogger, Boss Dada TV.
Malaya rin daw silang nakapagtanong sa kahit sinong makasalubong sa KOJC Compound.
Mga tanong na hindi scripted at random.
At sagot sa kanila.
‘’Ano nga, it’s too good to be true. Pero kapag nandodoon kana sa loob, aba mare-realize mo na totoo pala. At saka hindi pala imposible. Lalo na kung ang lahat ay nagtutulong-tulong. So, nasagot yung mga tanong ko, yung aking mga opinyon. Yung aking maling opinyon, naitama by just being there,’’ saad nito.
Nagkaroon sila ng pagkakataon na ikutin ang dambuhalang KJC Kingdome—o ang 75,000 seating capacity na Indoor Grand Cathedral na ngayon ay patuloy ang construction.
Pati na ang nakapagandang Prayer Mountain at Glory Mountain—mga sagradong lugar para sa lahat ng pitong milyong Kingdom Citizens.
Ang Glory Mountain na idinawit ng false witness sa Senado ni Risa Hontiveros ay matagal nilang inikot—sa layuning hanapin yung gunstore na sinasabi ng witness na may alyas na Rene.
‘’Narinig naman natin yung mga testimonya noong nagsasabi na si Mayor Inday Sara daw at si PRRD ay diyaan umaangkat ng baril. Bukod sa walang gunstore doon, nakapa-imposible na mula doon sa lugar kung nasaan yung istasyon niton nag-aakusa eh nakapalayo mula sa helipad eh. Tila dalawang hanggang tatlong kilometro ang layo eh,’’ dagdag ni Boss Dada TV.
Hanga rin ang grupo nila sa kababaang loob ng kingdom members at full-time workers na kanilang nakaupang palad ay nakapanayam.
Mga palatandaan ng mga turo ni Pastor Apollo.
At noong makita niya ng personal ang butihing Pastor, ito ang kaniyang assessment.
‘’Nakita ko na si Pastor sobrang talino niya, mahal niya talaga yung kaniyang mga miyembro kasi sa lahat naman ng mga nakita kong relihiyon ng mga denominasyon, walang akong nakikita na lider na ganito ang concern sa mga tao niya,’’ ayon nito.
‘’Ang kinabiliban ko kasi talaga kay Pastor is pinapunta niya kami dun hindi para kausapin kami at i-correct kung ano yung mga maling iniisip namin. Pinapunta niya kami dun, pina-experience niya sa amin yung na-eexperience niyong nasa loob ng Kingdom yang mga nasa loob ng Kingdom Compound, and then kami na mismo yung nakahanap ng sagot dun sa mga tanong namin at nag-correct dun sa mga maling perception namin patungkol sa Kingdom of Jesus Christ,’’ saad nito sa butihing Pastor.
Abangan ang panayam ng ipa bas a political vloggers na kasama sa exclusive tour sa KOJC compounds dito lamang sa SMNI News.