HINILING ni Vice President Sara Duterte sa kaarawan ni PBBM ang katagumpayan sa kaniyang pamumuno ng bansa.
Sa pagdiriwang ng kaarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ngayong araw, Miyerkules, Setyembre 13, nagpaabot ng pagbati ang mga Pilipino sa pamamagitan ng 10 satellite offices ng Office of the Vice President (OVP).
Kasama rin sa bumati si Vice President Sara Duterte.
Hiniling ng pangalawang pangulo ang katagumpayan ni Pangulong Marcos sa pamumuno ng bansa.
“Malipayong adlaw nga natawhan (Masayang araw ng kapanganakan), Apo BBM. My constant wish for all celebrators is prosperity, good health, and happiness. But I will add success to my wishes for you. I want you to succeed as President because it would mean the strength, stability, and security of our beloved homeland,” pagbati ni Vice President Sara Duterte.
Mensahe pa ni VP Sara sa Pangulo na lagi nitong tandaan na hindi Marcos-only o Duterte die-hard vote ang nangyari sa nakaraang halalan.
Aniya, ito’y isang boto para kay Bongbong at Sara.
“Always remember that it was not a Marcos-only or Duterte die-hard vote. It was a vote for Bongbong and Sara. And it will never happen again in history. It was a UniTeam vote by all peace-loving Filipinos,” ayon kay VP Sara.
Sa huli, tiniyak ni VP Sara kay Pangulong Marcos na nasa likod lang sila ng Pangulo at patuloy na sumusuporta sa kaniya.
“Kaya kami ay solid na nasa likod mo, sumusuporta sa iyong pangitain ng bagong Pilipinas. I wish you prosperity, good health, happiness, and success,” ani VP Sara.