PATUNAY ng isang totoong public servant si Vice President Sara Duterte.
Ganito ang komento ni dating Presidential spokesperson Atty. Harry Roque bilang pagdepensa na rin sa pangalawang pangulo laban sa mga kritiko nito.
Sa tingin ni Atty. Roque, maagang pamumulitika ang ginagawa ng mga kritiko ni VP Sara.
Palaging kinokontra ng mga ito ang confidential at intelligence funds sa Office of the Vice President at Department of Education maging ang pagkakaroon pa ng maraming bodyguards ng pangalawang pangulo.
Nauna nang ipinaliwanag ni VP Sara na bagama’t hindi naman problema sa kanila sa OVP at DepEd na walang confidential at intelligence funds, nakatutulong din ito para sa pagpapatupad ng iba’t ibang proyekto at aktibidad.
Halimbawa rito ang pagmo-monitor sa mga aktibidad ng mga komunista gaya na lang ng recruitment sa public schools.