VP Duterte nakiisa sa 293rd Founding Anniversary and Lechonan sa Bayan 2024 sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya

VP Duterte nakiisa sa 293rd Founding Anniversary and Lechonan sa Bayan 2024 sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya

MASAYANG nakiisa si Vice President Sara Duterte sa pagdiriwang ng 293rd Founding Anniversary and Lechonan sa Bayan 2024 sa Dupax del Norte, Nueva Vizcaya noong Abril.

Bilang panauhing pandangal, sinabi nito na ang paghahanda ng lechon ay hindi lamang pagkain kundi ang pagsaluhan ito ay isang karanasan at tradisyon para sa mga Pilipino.

”It is more than a food, it is a token of celebration para sa atin,”  ani VP Sara Duterte.

Nakisalo rin ito sa inihanda nilang masarap at malutong na lechong baboy at baka.

Ang Dupax del Norte ay isang 3rd Class Municipality na binubuo ng 15 barangays na matatagpuan sa lalawigan ng Nueva Vizcaya. Pangunahing pangkabuhayan roon ang pagsasaka.

Hindi rin kinalimutan ng pangalawang pangulo na pasalamatan si Mayor Timothy Joseph Cayton, mga lokal na opisyal at sa mga kababayan sa imbitasyon at mainit na pagtanggap sa kaniya.

 

Editor’s Note: This article has been sourced from the Inday Sara Nation Facebook Page.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter