VP-elect Sara Duterte, target ang full implementation ng face-to-face classes sa Agosto

VP-elect Sara Duterte, target ang full implementation ng face-to-face classes sa Agosto

TARGET ni Vice President-elect Sara Duterte at incoming Department of Education (DepEd) secretary na makabalik na ang face-to-face classes sa mga paaralan sa bansa sa Agosto.

Batay sa record ng kagawaran, umaabot na sa 73 percent sa mga pampublikong paaralan sa bansa ang nagbalik na sa face-to-face classes.

Ayon kay VP-elect Sara, nakatakda silang mag-usap ni outgoing Education Secretary Leonor Briones hinggil dito.

Kaugnay nito, sinabi ni VP Sara na pinapa-review rin ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagpatutupad ng K-to-12 program maging ang epekto ng pandemya sa mga mag-aaral.

Gagawin din aniya nito ang klase ng trabaho na kanyang ina-aplay sa Davao City at isa na rito ang pagiging bukas sa mga suhestiyon mula sa ibang sektor para sa ikabubuti sa sistema ng edukasyon sa bansa.

Kaugnay naman sa mga benepisyo ng mga guro, sinabi ni VP-elect Sara na kanyang ipagpapatuloy ang nasimulang programa ng kanyang ama na si outgoing President Rodrigo Roa Duterte.

 

Follow SMNI News on Twitter