DUMATING na sa Pilipinas si Vice President Sara Duterte noong Linggo, Abril 6, 2025, bandang 9:56 ng gabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Siya ay bumiyahe sakay ng Emirates Airlines flight EK 334 mula sa The Hague, Netherlands, upang asikasuhin ang defense team ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na kasalukuyang humarap sa kaso ng crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).
Ayon sa Office of the Vice President (OVP), inaasahang haharapin ni VP Sara ang mahahalagang usapin sa mga susunod na araw.