VP Sara Duterte, dumalo sa pulong ng National Book Development Board sa DepEd sa Pasig City nitong Nov. 2023

VP Sara Duterte, dumalo sa pulong ng National Book Development Board sa DepEd sa Pasig City nitong Nov. 2023

DINALUHAN ni Vice President at Department of Education (DepEd) Sec. Sara Duterte ang isang pulong ng National Book Development Board (NBDB) sa DepEd sa Pasig City nitong Nobyembre 2023.

Ito ay dinaluhan din ng mga iba’t ibang Philippine book publishers sa ating bansa.

“Lubos ang aking kasiyahan na personal silang makilala at malaman na sila ay handang makipagtulungan sa Department of Education lalo na kung paano maibalik ang interest ng mga kabataang Pilipino sa pagbabasa, pagsusulat at pagpapakilala ng mga bagong idea at inobasyon. Nakakataba din ng puso na positibo ang kanilang pagtanggap sa Matatag Curriculum upang maisulong ang layunin nating pagbabago para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa,” ayon kay VP Sara Duterte.

“Pangatlong meeting na po natin sa kagawaran sa kanila at sinabi ko na gawing regular ang ganitong diyalogo kasi malaki ang kontribusyon nila lalo na sa pagbibigay ng mga kalidad na materyales sa pagbabasa kagaya ng mga aklat. Mahalaga ito dahil isa sa mga prayoridad ng programa natin ay ang pagbabasa,” dagdag ni VP Sara.

Isa sa mga pinag-uusapan ang mga makabagong teknolohiya at inobasyon upang matiyak na ang ating mga mag-aaral ay nakatatanggap ng kalidad na edukasyon.

“Ako ay lubos na nagpapasalamat sa ipinapakitang suporta na ibinibigay nila sa Department of Education at sa mga Pilipinong mag-aaral. Hiniling ko rin ang kanilang patuloy na suporta at kooperasyon para itaguyod ang pagkakaroon ng mga Pilipinong mag-aaral na matalino, matatag at makabansa,” wika ni VP Sara.

Follow SMNI NEWS on Twitter