VP Sara Duterte, hindi ulit dadalo sa imbestigasyon ng NBI ngayong araw

VP Sara Duterte, hindi ulit dadalo sa imbestigasyon ng NBI ngayong araw

HINDI ulit dadalo si Vice President Sara Duterte sa gagawing imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) hinggil sa kaniyang umano’y death threat laban kay Pangulong Bongbong Marcos Jr. ngayong araw, Disyembre 11, 2024.

Magpapadala na lang aniya siya ng affidavit hinggil sa kaniyang naging pahayag laban sa pangulo na naging malaking isyu.

Sa paliwanag ni VP Sara, ang kaniyang hakbang ay alinsunod na rin sa paliwanag ng kaniyang mga abogado.

Maliban dito ay may thanksgiving activities din siyang dadaluhan ngayong araw.

Uuwi rin siya sa Davao City para dumalo sa paglibing ng kaniyang tiyuhin.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble