VP Sara Duterte, mas mapapalapit na sa publiko─Atty. Harry Roque

VP Sara Duterte, mas mapapalapit na sa publiko─Atty. Harry Roque

NANATILING pinaka mahusay at pinaka pinagkakatiwalaan na opisyal ng gobyerno si Vice President Inday Sara Duterte.

Itoy kahit na nagbitiw na ito bilang kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon na parte ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. ayon kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Ngayong wala na sa gabinete ang bise presidente ay mas makakatutok na ani Roque si VP Sara sa pagseserbisyo nito bilang pangalawang pangulo ng bansa.

Samantala, inaasahan ni Roque na magpapatuloy parin ang mga proyekto ni VP Sara at matugunan ang kakulangan ng gobyerno sa kabila ng limitado nitong pondo sa Office of the Vice President.

Bagamat hindi pa rin malinaw na tatakbo ito bilang pangulo sa 2028 election ay asahan na ani Roque na mas titindi ang magiging black propaganda kay VP Sara na nakikitang balakid sa sinomang nais tumakbo sa pagkapangulo.

Kaya panawagan nito sa publiko na maging matalino at huwag basta maniniwala sa mga nakikita sa social media.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble