NANGUNGUNA si Vice President Sara Duterte sa Top 5 Officials ng pamahalaan na nakakuha ng mataas na trust rating batay sa pinakahuling Pahayag survey ng Publicus Asia.
Si VP Sara ay nakakuha ng 53% trust rating, sinundan ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na may 48%.
Si Senate Pres. Migz Zubiri naman ay nakakuha ng 35% habang si Chief Justice Alexander Gesmundo naman ay 28%.
Nasa huli naman si House Speaker Martin Romualdez matapos lumagapak sa 25% ang trust rating nito.
Isinagawa ang survey noong Nobyembre 29 hanggang Disyembre 4, 2023 sa 1,500 respondents.