VP Sara Duterte, sinampahan ng impeachment complaint sa Kamara

VP Sara Duterte, sinampahan ng impeachment complaint sa Kamara

SUMUGOD sa Kamara nitong Lunes, December 2, ang ilang sektor para sampahan ng impeachment complaint si Vice President Sara Duterte.

Apat ang grounds for impeachment—kabilang ang culpable violation of the Constitution, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at iba pang krimen.

Isa sa mga namataan sa filing ng impeachment case ay si dating senador Leila de Lima habang ang Akbayan Party-list naman ang mag-iendorse ng reklamo.

Nakahanda raw ang Kamara na aksyunan ang impeachment complaint.

Para kay former Presidential Legal Counsel Salvador Panelo, talagang nais patahimikin ng administrasyon ang bise.

Unang senyales ay ang pagpapalit ng mga sundalong magbabantay sa kaniya.

‘Bakit mo tinatanggalan ng security yan? Ang security eh para nga bigyan siya proteksyon. Pag tinanggal mo yan, ibig sabihin bukas sa lahat ng uri ng karahasan laban sa kaniya,’ ayon kay Atty. Salvador Panelo Former Presidential Legal Counsel.

Ikalawang palatandaan ay ang inihaing impeachment case laban sa ikalawang Pangulo.

Ito’y kahit ang Ombudsman na mismo ang nagsabi na wala silang nakikitang dahilan para imbestigahan si VP Sara.

‘Obvious na obvious din. Gusto mo talaga siyang tanggalin, impeachment eh. At alam naman nating numbers game yan,’ saad ni Atty. Panelo.

Pinitik naman ni Panelo si Pangulong Bongbong Marcos.

Lalo pa’t nanawagan sa Kamara nitong huli ang Presidente na huwag sampahan ng impeachment case ang Bise.

Pero ani Panelo, lumalabas na nagmamalinis ang Pangulo sa maaaring sapitin ng kaniyang dating running mate.

Atty. Panelo: Gusto lang umiwas ni PBBM sa isyu ng impeachment vs VP Sara Duterte

‘Yang mga nandiyan sa Kongreso, hindi yan makakagalaw ang realidad sa Pilipinas nang hindi nalalaman at sinasang-ayunan ng Presidente ng bansa,’’ saad ni Panelo.

‘Yung impeachment na yan, ay talagang itutuloy nila yan. Regardless gaya ng aking sinabi na kahit may sinasabi si BBM na huwag niyo nang ituloy yan eh yun ay para malayo siya sa hinala na may kinalaman siya,’’ ani Panelo.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble