VP Sara, hindi nababahala sa imbestigasyon ng ICC

VP Sara, hindi nababahala sa imbestigasyon ng ICC

MATAPOS ang huling aktibidad niya sa bansang Malaysia, muling sinagot ni Vice President Sara Duterte ang mga tanong kaugnay sa imbestigasyon ng International Criminal Court (ICC).

Sinabi ni VP Duterte na hindi naman siya nababahala ukol dito.

“Well sa akin, I cannot speak for the other members of family. Sa akin hindi naman kasi nakakakuha din ako ng legal advice sa mga Filipino lawyers na mayroong alam about international law,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.

Hindi naman nila aniya napag-uusapan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tungkol sa ICC.

Pero nakatitiyak si VP Duterte na may nakakausap na mga abogado ang Dating Pangulo.

“Sigurado naman ako na mayroon siyang mga kausap na abogado dahil abogado din naman si Pangulong Duterte. So naiintindihan niya yung mga legal implications at mga procedures sa ICC,” dagdag ni VP Duterte.

VP Duterte, muling hinamon si Lascañas na kasuhan siya sa Pilipinas

Wala namang balak magsampa ng kaso si VP Duterte laban kay Arturo Lascañas na iniuugnay siya sa Davao Death Squad at Oplan Tokhang, at sa mga insidente ng pagpatay o extrajudicial killings sa Davao.

Sa katanuyan aniya,

“In fact siya ang chinachallenge ko na magsampa ng kaso sa akin ng murder doon sa Pilipinas,” aniya.

Follow SMNI NEWS on Twitter