VP Sara, nakiisa sa Rotary Int’l D3780 District Conference

VP Sara, nakiisa sa Rotary Int’l D3780 District Conference

NAKIISA si Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa ginanap na Rotary International D3780 District Conference sa Tagaytay City noong nakaraang buwan.

Dito, pinarangalan nila ang mga natatanging proyekto ng iba’t iba nilang grupo alinsunod sa kanilang temang “Hope for the World” na tumatak sa pangarap tungo sa maliwanag na kinabukasan lalo na para sa mga kabataan.

“Sa aking mensahe, ibinahagi ko sa kanila ang mga ginagawa natin sa Kagawaran ng Edukasyon alinsunod sa inilunsad nating MATATAG Agenda. Pakay nito na matugunan ang mga pagbabagong kinakailanagan para sa usaping pang-edukasyon. Dito inilatag natin ang mga hakbang na gagawin upang matugunan ang problemang kailangang bigyan-pansin sa ating basic education” pahayag ni VP Sara Duterte.

Muli namang binigyang-diin ni VP Sara ang edukasyon ay “everybody’s business” at hinihikayat nito ang lahat na makikipagtulungan sa mga pribadong sektor at organisasyon upang maisakatuparan ang layunin ng bise presidente na isang Bansang Makabata, at Batang Makabansa.

“Ang ating natatanging pagpupunyagi at suporta ng bawat sektor ay mahalaga, at binibigyang halaga ng Kagawaran ng Edukasyon. Sana ay maging tulay ito sa mas makabuluhang pagtutulungan para sa pag-abot ng pangarap ng mga kabataang Pilipinong mag-aaral,” dagdag ni VP Sara.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble