IMINUIMUNGKAHI ni Senator Nancy Binay sa pamahalaan na wala na munang charges sa take-off, landing at parking fees sa local airlines.
Ayon sa senador, ang nasabing suhestiyon ay bilang tulong sa mga ito habang wala pang malinaw o konkretong ayuda ang pamahalaan para sa air industry.
Nagpapakita aniya ang hakbang na ito ng economic patriotism sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Mababatid na kamakailan lang ay nagpahayag ng bankruptcy ang Philippine Airlines (PAL) subalit binigyang-diin nila na layunin ng kanilang pahayag ang pagre-structure sa kanilang finances at hindi ibig sabihin nitong walang na silang operasyon.
Maaari pa rin namang mag-book ng flight sa pamamagitan ng naturang airline.